Tuesday, January 19, 2010

Lunch Break

Ilang oras rin ang nakalipas nang magsimula ang training namin. Nangangapa ako sa bawat tinuturo ni Richard. Mga salitang ngayon ko lang narinig at kung paano ito bibigkasin. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ako kapag sa tingin ko mali ang pagkakasabi ko. Ngunit napansin ko kay Richard sa tuwing ibang tao ang nagkakamali ilang bese nya ito pinapagulit-ulit hanggang sa makuha pero pag ako ang nagkakamali tinutulungan nya ako. Sabi ko sa sarili ko siguro ay nahalata niya na probinsyano ang tinuturuan niya.
Nang dumating ang oras ng pagkain namin ng pananghalian, palabas na ako ng silid ay tinawag ako ni Richard at tinanong kung saan daw ako kakain. Kahit na nahihiya ako ang sagot ko "I don't know sir, I have been in manila for only a couple of days so I am not really familiar with this place."
"Really? well if you want you can join me for lunch I know a great place, don't worry it's my treat. I just want to get to know you more" sabi nya sakin sabay ngiti.
Magkasabay kaming lumabas ng training room at nakasalubong namin ang isa pang trainer sabay kantyaw kay Richard "Uy bagong prospect?". Nginitian lamang niya ito at sinabi sakin "Don't mind them."
Dinala nya ako sa isang restaurant sa likod lamang ng building ng opsina namin. Parang ayoko pang pumasok dahil sa labas palang parang ang mahal na mukhang hindi ko kakayanin ito. Pero tinapik niya ako sa balikat at sinabi nya na wag akong mag-alala sagot niya ang pagkain ko.
Nangliit talaga ako sa loob ng restaurant na to pero si Richard parang pinipigilan nya na tumawa sa mga kinikilos ko. Ang bawat paglingon ko sa paligid ay siya namang ngisi niya. Tinanog nya ako kung anong gusto kong kainin ngunit ang sinagot ko ay bahala na siya dahil hindi talaga ako masyadong familiar sa lugar na yon. nang dumating na ang mga in-order nya ay nagsimula nakaming kumain. Habang kumakain ako bigla nya akong tinanong.
"Ah Jerard, sabi mo bago kalang dito sa manila sinong kasama mo dito at bakit mo naisipan na dito magtrabaho?"
"Ha? eh... gusto ko sana na kahit papano eh makaangat ng konti sa buhay tutal may pinag-aralan naman ako." sagot ko sa kanya.
"So sino kasama mo dito? Asawa? Girlfriend?" sabay tanong nya.
"Nakatira ako sa bahay ng kababata ko, sa totoo lang siya ang tumulong sakin para makapasok sa inyo."
"Babae o lalake?" biglang banat ng tanong
"Ha? Lalake... bakit?"
"Wala wala just wanted to know more about you kasi alam mo hindi kasi common sa amin na mag apply yung mga katulad mo at makapasa ng isang beses lang nag-apply. Ibig sabihin lang noon iba ka" sabi niya sakin sabay ngiti.
"Ah ganon ba swerte lang siguro"
"So, may girlfriend ka bang iniwan sa inyo or asawa?" tanong nya sakin habang nakatitig sakin ng derecho.
"Ako? wala po"
"Ah edi maganda" sabay tawa nya
Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron at bakit niya ako niyaya kumain at tinanong ng mga ganong klaseng tanong. Wala talaga pa akong ideya.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa opisina para mag-training ulit....



Powered by ScribeFire.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home