Wednesday, January 20, 2010

Ang pag-uusap

Dumating ang umaga at nagsing ako sa tunog ng cellphone ko.
Tumatawag si Robert.
"Hello?" ang sagot ko.
"Pre gising na. Maaga pala ako umalis dahil may gagawin ako sa opisina. naghanda pala ako ng makakain mo before ka pumasok." sabi ni Robert.
"Salamat ha sobra sobra na talaga" ani ko
"Ok lang yun basta ikaw, nga pala sobra kang nalasing kagabi. Konting hinay hinay lang sa susunod." ang baling sakin ni Robert.
Pagkatpos naming magusap ay bumangon nako at naligo pagkatpos ay kumain na ng almusal. Konti lang ang natatandaan ko sa nangyari kagabi ngunit ang alam ko mayroong binalak na gawin sakin si Richard sa kotse nya. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na iisipin ang bagay na yun.
Pumasok na ko sa opisina at dahil sa unang araw ko na bilang isang tunay na call center agent ay halong takot, saya at kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ako makikpag-usap sa taong hindi ko kilala at malayo sa akin. Itinuro ako ng guwardiya kung saan ang "account" namin. Nakita ko ang mga kasamahan ko sa training na may mga ngit sa mukha nila cyempre ngiti rin ako na kunwari ay hindi ako kinakabahan.
Paglingon ko ay nakita ko si Richard na patungo sa aming grupo na may dalang mga papel.
"Guys here are your accesses for your tools, Jerard take charge on this one. Anyway guys I have another batch of trainees see you on the floor." sabi ni Richard sabay abot sakin mga papel. Bago siya kumabas ay nakita ko na tumingin muna siya sa akin at ngumiti. Nginitian ko nalang din siya kunwari'y wala akong naaalala sa mga nangyari kagabi.
Pinapunta muna kami sa isang kwarto at may mga pumasok na ilang tao na medyo nakapormal. Maangas ang mga dating. isa-isa silang nagpakilala samin. Mga team leader pala sila. Tinawag ang mga pangalan nami at sinabi kung kanino kami mapapabilang na team.
Kay Adrian ako napunta. Semikal at morenong lalake. Medyo maangas ang dating, malaki ang katawan at medyo suplado ang dating. Kinamayan nya ako at isinama sa mga bagong ka-team ko.
Hindi masyadong palasalita si Adrian ang mga ka-team ko ang nagpapakilala sa sarili nila at mga bagay na dapat malaman ko tungkol sa patakaran ng grupo nila.
Naupo nako sa tabi ni Sheryl, sabi ni Adrian yun daw ang top agent nya. Sa loob ng isang linggo eh makikinig muna ako sa mga tawag niya. Tinuro sakin lahat ni Sheryl ang lahat ng dapat malaman ko sa trabahong to.
"Don't worry Je, We're going to help you adjust to this work. Adrian is a helpful TL it's just he's a quiet type of person." ang sabi sakin ni Sheryl.
"I hope so but he is kind of scary." Ang sagot ko.
Natawa lang sa sinabi ko mga kasamahan ko. Matapos ang apat na oras ay sabay-sabay na kaming kumain ng pananghalian. Sa tinatawag nilang pantry kami nagtungo. Medyo nakayuko akong naglalakad dahil kasabay ko si Adrian... medyo may takot parin ako.. Habang kumakain kami ay nagkakatitigan kami ni Adrian tila inuusisa ang bawat galaw ko mula ulo hanggang paa.
Matapos kumain ay niayaya nila akong sumama sa baba ng gusali ng opisina namin at sabay sabay silang nagsindi ng sigarilyo. Niyaya ako ni Sheryl na magyosi, sabi ko hindi ako naninigarilyo.
"Matututo karin nito pagkatapos ng mga ilang buwan mo dito" banat ni Sheryl sabay tawa nilang lahat.
Napansin ko na si Adrian ay nagyoyosi din pero medyo nakahiwalay sa amin. Parang laging may iniisip ng malalim itong taong ito. Naglakas loob akong lapitan si Adrian.
"Sir Adrian, salamat po ha. kahit papano nawala yung kaba ko kanina nang ipakilala mo sakin yung mga ka-team ko." payuko kong sinabi.
"Wala yun Je, dito sa trabaho isipin mo na kami ang pamilya mo. Kung may mga tanong ka wag kang mahiyang magtanong sakin." seryosong sagot sakin ni Adrian.
Tinapik ako ni Adrian sa balikat tila isang senyas na kelangan na naming bumalik dahil tapos na ang lunch break namin.
Dumaan ulit ang mga oras at natapos na ang unang araw ko sa opisina. Palabas nako ng pinto ng tinawag ako ni Adrian.
"Jerard, could you come here for a second"
"Ok Sir" patakbo akong lumapit sa kaniya.
"Make sure you have taken notes from all the calls that you heard earlier and how they handled it. I am not forcing you to be the best but I want your career to improve while you're here on my team."
"Thank you Sir Adrian, I will try my best." medyo pangiti kong sagot
Dumerecho nakong umuwi ngunit sa aking pagbiyahe hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa araw na ito. Habang pababa ako ng MRT tumunog ang cellphone ko.
"Hello? sino to?" ang tanong ko
"Adrian to, nakalimutan mo yung beltbag mo sa table ko. San ka ba? ihatid ko nalang" ang sagot ng nasa kabilang linya.
"Nasa cubao po ako."
"Sige magkita nalang tayo sa may SM sa foodcourt."
Medyo nanibago lang ako kung paano nakipag usap sakin si Adrian. Tila ibang tao ang nakausap ko sa telepono. Ilang minuto din ang lumipas at nagkita na kami ni Adrian sa lugar na sinabi nya at inabot sakin ang beltbag ko. nagpasalamt ako sa kanya.
"Thank you lang? diba sweldo nyo kanina? Ilibre mo nalang ako ng makakain kahit dito nalang sa foodcourt" ang banat ni loko sakin.
Iba talaga ang pakikitungo nya sakin ngayon kung ikukumpara ko kanina sa opisina.
Habang kumakaain kami ay tinanong ko sa kanya kung talagang ganon ba siya sa opisina.
"Kelangan kong magpaka seryoso kapag naka-duty. Kelangan kong maging ehemplo para sa iba." ang sagot niya sa tanong ko.
Medyo naiintindihan ko ang mga binitawan nyang salita sakin. Marahilnga dahil sa isa siyang Team Leader kaya ganun siya. Natatawa lang ako ng palihim sa mga kinikilos niya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya dahil hinahanap narin ako ni Robert sa bahay.
"Sige Je, Ingat ka see you nalang tomorrow sa floor. Basta sa tingin ko iba ka sa mga taong na-handle ko. Hindi ko alam kung bakit pero malalaman ko rin balang araw." ang sinabi nya sakin bago siya tumalikod at maglakad palayo.
Biglang gumulo ang isipan ko sa mga sinabi nya. Sa aking paglalakad pa-uwi tila isang misteryo ang gumugulo sa akin. Hindi ko parin maintindihan kung bakit niya sinabi sa kin yon....





Powered by ScribeFire.

Pagnanasa at Selos

Mga ilang araw na rin ang nagdaan sa training ko sa call center na to. Halos araw araw din akong niyaya ni Richard na lumabas para kumain. Hindi lang lunch pati na rin dinner pagkatapos ng shift namin. Ilang araw ko na rin na napapansin na nde mapakali si Robert kapag hindi pa ako umuuwi pag-out ko sa opisina. Tinanong ko siya minsan kung bakit ang tanding sagot niya lang sakin " Concerned lang ako sayo pre bagong salta kalang dito sa manila ayokong may mangyari sayo" Natuwa ako sa sagot niya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat pare, ikaw lang talaga ang masasandalan ko. Iba talaga pag kababata hahaha. Salamat talaga at naging kaibigan kita" Sagot ko sa kanya. Parang ipit na ngiti ang ibinalik niya sa akin sabay talikod at tumungo na sa kwarto niya. Hindi ko alam kung may nasabi ba ako para magkaganoon siya.
"Hey Jerard, lunch again later?" bungad sakin ni Richard sa huling araw ng training namin.
"Uh sure.. ok"
"Since it's our final day in training I'm gonna invite you later for a simple dinner at my place. Just a reward for being the top agent on your batch" sabi niya sakin.
"Alright" sabi ko.
Pagkatapos ng aming training nagkayayaan ang mga kasama ko sa batch. Sabi ko kay Richard sumama na muna siya dahil huling araw na ito ng traning namin. Pumayag naman siya at sumama. Nagpunta kami sa isang bar na hindi kalayuan sa opisina. Bago ako pumasok ay tumunog ang cellphone ko at si Robert ang tumatawag.
"Oh pre napatawag ka? Nga pala lalabas kami ngayon ng mga ka-batch ko baka gabihin ako konti ok lang ba?" sabi ko sa kanya.
"Ha? eh pano tong hinanda ko na pagkain sorpresahin sana kita kasi alam kong nakapasa ka" sabi niya.
"Wow naman na-touch ako. Sige pagkatapos ko dito uwi nako agad"
"Sige hintayin kita" sabay baba ng telepono.
Hindi ko alam kung nagalit ba si Robert sakin pero hindi ko rin alam kung anong dahilan.
"Puta, alas-diyes na" bulong ko sa sarili ko pagtingin ko sa relos ko.
Nagpapaalam na ako sa mga kasamahan ko para umuwi dahil nagsabi ako kay Robert na uwi ako para sa hinanda niya. Ngunit marami-rami na rin akong nainom at pagtayo ko ay medyo nahilo ako at muntik na matumba. Buti nalang at nahawakan ako sa balikat ni Richard.
"Hatid na kita, mukhang lasing ka na. Baka kung ano pa mangyari sayo" sabi nya sakin habang inaakay nya ako palabas. Sinamahan kami ng ilang mga ka-batch ko sa paradahan kung nasan yung sasakyan ni Richard.
"Sorry talaga, napasobra ako ng inom" ang sambit ko habang isinasakay ako sa sasakyan nya.
"Ok lang yun. pero mahina ka pala sa inuman hahaha" patawang sagot sakin ni Richard.
Umalis na kami at habang binbagtas namin ang edsa, napapansin ko na panay ang sulyap sakin ni Richard.
Animo'y pinagmamasdan nya ang buong katawan ko na ngayo'y parang lantang gulay sa upuan sa sobrang kalasingan.
"Ok kalang ba?" ang tanong niya sakin
"Medyo pero pakiramdam ko nasobrahan talaga ako, favor naman tabi mo sa isang lugar pra kasing nasusuka ako" sabi ko sa kanya
Itinabi nya ang sasakyan sa isang gasolinahan na malapit sa amin at sinamahan niya ako sa restroom. Ang hirap pala ng masobrahan sa alak. Hindi ko naiwasang malagyan ang polo na suot ko ng alak na lumabas sa bibig ko.
Inakay na ako ni Richard pabalik ng kotse nya. Pagkaupo ko sabi nya "Amoy suka yang polo mo tanggalin muna natin" sabay dahang dahang tinanggal ang pagkakabutones ng suot ko. Tinangka ko siyang pigilan ngunit hindi ko talaga kaya at kahit papano nahiya na ako sa kanya dahil sa pagtulong niya sakin at ayoko rin naman mangamoy alak ang kotse nya.
Umalis na kami sa gasolinahan para ihatid na ako sa bahay. Hirap na akong imulat ang mga mata ko sa kalasingan.
Kahit na nakapikit ako ay nararamdaman ko parin ang mga nangyayari sa paligid ko. Alam ko ang bawat pagliko na ginagawa ni Richard at ang mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan. Ramdam ko ang lamig ng sasakyan dahil sa wala na akong saplot sa pang-itaas ko. Hiyang -hiya ako dahil nakikita ako ng trainer ko na walang pang-itaas at kitang kita nya ang katawan ko sa bawat ilaw ng poste na aming dinaraanan.
Bigla nyang itinabi ang sasakyan at tinitigan ako at ang aking katawan. Ako nama'y parang biglang nagulat at nagtanong "May problema ba?"
"Wala naman, gusto ko lang matitigan ang hubog ng katawan mo" sabi nya sakin
"Teka, bakit?" may halong kaba ang aking pagtatanong.
"Napakaganda kasing tignan ng katawan mo, tamang-tama lang ang hubog nito" sabay hawak sa balikat ko at dahang dahang hinaplos ang tagiliran ko.
"Richard, pre anong ginagawa mo?"
Parang may kung anong sumapi sa kanya at sinimulan nyang haplusin ang katawan ko.
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit para pigilan ang ginagawa nya.
"Anong ginagawa mo?!" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang kamay niya.
"Sorry Jerard" sabay bawi ng kamay nya.
Pinaandar nya ulit ang kotse at inihatid na ako sa bahay namin. Inakay nya ulit ako palabas ng kotse. Nabigla ako dahil naghihintay pala  si Robert sa may garahe ng bahay namin. Naaaninag ko sa mkukha nya na may konting galit ang kanyang mga tingin. Inalalayan ako ni Richard at ni Robert paakyat sa kwarto ko. Kahit papano ay naririnig ko ang bulungan nila at tinatanong ni Robert kung anong nangyari sakin.
"Nasobrahan lang sa inom si Je hinatid ko lang baka kung ano pa mangyari" ang sabi ni Richard kay Robert.
"Bakit walang polo na to?" parang asiwa na tanong ni Robert
"Nagsuka siya kanina kaya tinanggal ko na" pabalang na sagot ng isa.
"Sige na ako na bahala dito salamat sa paghatid" parang walang emosyon na pagkakasabi ni Robert.
Naramdamang kong hintaid ni Robert si Richard sa labas at ang pag alis ng kotse niya. Halos lamunin na ako ng pagkakalasing ko at sabik na ang katawan kong matulog. Umakyat ulit si robert na may dalang labakara at maligamgam na tubig. Habang pinupunasan nya ako ay niyakap ko siya at humingi ng tawad. Siya namang bulong sakin.
"Ok lang, Importante ka kasi sakin... ganon ako magmahal
Hindi ko na masyadong naintindihan ang gusto nya ipahiwatig dahilsa kalasingan ko.... Ilang saglit pa ay naktulog na ako....






Powered by ScribeFire.

Tuesday, January 19, 2010

Lunch Break

Ilang oras rin ang nakalipas nang magsimula ang training namin. Nangangapa ako sa bawat tinuturo ni Richard. Mga salitang ngayon ko lang narinig at kung paano ito bibigkasin. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ako kapag sa tingin ko mali ang pagkakasabi ko. Ngunit napansin ko kay Richard sa tuwing ibang tao ang nagkakamali ilang bese nya ito pinapagulit-ulit hanggang sa makuha pero pag ako ang nagkakamali tinutulungan nya ako. Sabi ko sa sarili ko siguro ay nahalata niya na probinsyano ang tinuturuan niya.
Nang dumating ang oras ng pagkain namin ng pananghalian, palabas na ako ng silid ay tinawag ako ni Richard at tinanong kung saan daw ako kakain. Kahit na nahihiya ako ang sagot ko "I don't know sir, I have been in manila for only a couple of days so I am not really familiar with this place."
"Really? well if you want you can join me for lunch I know a great place, don't worry it's my treat. I just want to get to know you more" sabi nya sakin sabay ngiti.
Magkasabay kaming lumabas ng training room at nakasalubong namin ang isa pang trainer sabay kantyaw kay Richard "Uy bagong prospect?". Nginitian lamang niya ito at sinabi sakin "Don't mind them."
Dinala nya ako sa isang restaurant sa likod lamang ng building ng opsina namin. Parang ayoko pang pumasok dahil sa labas palang parang ang mahal na mukhang hindi ko kakayanin ito. Pero tinapik niya ako sa balikat at sinabi nya na wag akong mag-alala sagot niya ang pagkain ko.
Nangliit talaga ako sa loob ng restaurant na to pero si Richard parang pinipigilan nya na tumawa sa mga kinikilos ko. Ang bawat paglingon ko sa paligid ay siya namang ngisi niya. Tinanog nya ako kung anong gusto kong kainin ngunit ang sinagot ko ay bahala na siya dahil hindi talaga ako masyadong familiar sa lugar na yon. nang dumating na ang mga in-order nya ay nagsimula nakaming kumain. Habang kumakain ako bigla nya akong tinanong.
"Ah Jerard, sabi mo bago kalang dito sa manila sinong kasama mo dito at bakit mo naisipan na dito magtrabaho?"
"Ha? eh... gusto ko sana na kahit papano eh makaangat ng konti sa buhay tutal may pinag-aralan naman ako." sagot ko sa kanya.
"So sino kasama mo dito? Asawa? Girlfriend?" sabay tanong nya.
"Nakatira ako sa bahay ng kababata ko, sa totoo lang siya ang tumulong sakin para makapasok sa inyo."
"Babae o lalake?" biglang banat ng tanong
"Ha? Lalake... bakit?"
"Wala wala just wanted to know more about you kasi alam mo hindi kasi common sa amin na mag apply yung mga katulad mo at makapasa ng isang beses lang nag-apply. Ibig sabihin lang noon iba ka" sabi niya sakin sabay ngiti.
"Ah ganon ba swerte lang siguro"
"So, may girlfriend ka bang iniwan sa inyo or asawa?" tanong nya sakin habang nakatitig sakin ng derecho.
"Ako? wala po"
"Ah edi maganda" sabay tawa nya
Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron at bakit niya ako niyaya kumain at tinanong ng mga ganong klaseng tanong. Wala talaga pa akong ideya.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa opisina para mag-training ulit....



Powered by ScribeFire.

Training

Ilang araw na lamang ay magsisimula na akong magtrabaho ito sa manila. Nagfile si Robert ng kanyang Vacation leave para lamang samahan ako mag ayos ng mga papeles na kakailnganin ko sa papasukan ko. marami kaming inikot na mga lugar at habang nag-aayos kami ng mga kelngan kong dukumento ay ipinasyal niya na rin ako sa mga lugar na sikat dito sa manila.
May mga lumang gusali kaming pinuntahan at mga museo na sa mga libro ko lamang nakikita. Mangha at kakaibang ligaya ang nararamdaman ko sa bawat bagong bagay na nakikita ko.
Pag-uwi namin tinanong ako ni Robert kung anong tingin ko sa maynila, ang nasabi ko lang "kakaiba dito pre". Nginitian lang ako ni gago.
"Wag ka masyado magpa-obvious na bago kalang sa manila" sabi nya.
"Anong magagawa ko eh wala namna nito satin.. KJ ka talaga" Banat ko naman
Tinawanan lang ulit ako at sabay akbay sakin at pumunta kami sa isang mall. Habang naglalakad kami napansin ko na may sumusunod samin na isang lalake na medyo may kaputian at malaki katawan. Nakaramdam ako ng takot. "Pare, may sumusunod satin." bulong ko kay Robert. Nilingon nya yung lalake at sabay nginitian. "Oks lang yan pre akong bahala, teka daan muna tayo sa restroom." ani nya.
Lumiko kami sa cr at naghintay ako sa labas na[ansin ko yung lalaki maputi ay sumunod kay Robert sa loob ng CR. Ilang minuto din ang lumipas at unang lumabas ang lalake sumunod si Robert pagkatapos ng ilang saglit. Isang malaking ngiti na may halong pagod ang nababanaag ko sa mukha niya. Inakbayan ulit ako at sinabing alis na kami. Hindi ko talaga matiis at tinanong ko kung anong nangyari sa loob ng CR.
"Wala yun pre nag sideline lang ako hahaha" Patawang sinabi ni Robert sakin.
Pagkauwi namin nagbihis nako at naligo para matulog. narinig ko na sumigaw si Robert at pinapababa ako para kumain. Nabigla ako dahil ang dami nyang hinanda. Tanong ko sa kanya kung anong meron. Ang sinabi nya lang ay bumili lang siya dahil malaki ang kinita niya.
Pagkatpos kumain ay umakyat nako sa kwarto ko. Hindi matanggal sa isip ko kung ano bang nangyari sa loob ng CR. Halos hindi ako makatulog ngunit kelangan dahil unang araw ng training ko kinabukasan.
Tumunog ang alarm clock ko ng alas-nuwebe ng umaga. Naligo ako at nagbihis para  pumasok. Bago ako lumabas ng bahay ay sinabihan ako ni Robert ng "Goodluck pre"
Mga ilang minuto ang nakalipas at nakarating nako sa opisina kung san ako mag training. Kakaibang hitsura ng lugar and tumambad sakin. Lahat ng tao sa loob Ingles ang pagsasalita. "Tangina ano ba tong pinasukan ko pinahamak ata ako ni Roberto" bulong ko sa sarili ko. " Mr. Jerard?" isang boses ng lalake ang biglang bumasag sa katahimikan ko. "Y-Yes that's me" sagot ko.
"Hi, I'm Richard I am one of the trainers here and you are in my class. Kindly proceed to the training room at the end of the hall." Sabi nya sakin.
"O-ok, thank you." medyo nanginginig na sagot ko.
Bago siya umalis ay kinamayan nya ako at nginitian pero napansin ko na medyo mahigpit ang pagkakakamay nya sakin.
Tinungo ko na ang silid na sinabi nya at nakita ko na medyo marami-rami na rin ang tao sa loob. Naupo ako sa may bandang likod. Medyo nakaramdam ako ng takot dahil unang pagkakataon ko na sumabak sa ganitong klaseng trabaho....



Powered by ScribeFire.

Sunday, September 13, 2009

Unang Araw

Isang malakas na katok sa pinto ng kwarto ang gumising sakin Sinisigawan na ko ni Robert na kumilos na at mag-ayos dahil papasok na siya at sumabay nako para maasikaso nya yung refererral nya sa akin. Dali-dali akong bumangong at nag ayos ng damit at mga papeles na kakailanganin ko. Nakita kong nagbibihins na siya kaya dumerecho nako sa banyo para maligo. Pagkatapos nagbihis nako at humarap sa salamin para magayos. Ordinaryong probinsyano-look lang ako Moreno at medyo maganda ang pangangatawan dahils a pagtatrabaho ko sa aming bukid sa probinsya kaya kahit papano hindi ako nahihiya sa hubog nito.

Isang sigaw na namana ng nairnig na nagpapamadali sakin mag ayos. Ako naman patakbong bumaba sa sala. mag alas-nuwebe na kami nakaalis ng bahay at tumungo sa Makati. Sabi nya mag-MRT daw kami kahit papano nde ko pinakita sa kanyana excited ako dahilunang beses ko palang makakasakay nun pero sa tingin ko kitang kita nya sa mga mata ko ang hindi maitagong tuwa. Siguro mga kinse minutos lamang ang aming biyahe at nakarating narin kami sa Makati kongitn glakad lang at nasa harap na kami ng gusali kung nasaan ang opisina nila. Ako naman hindi ko mapigilang tumingala at mamangha kahit papano sa taas ng mga to. Tinapik niya ako sa balikat at sinabing "goodluck dre". Inabot siguro ako ng 6 na oras bago natapos ang pag proceso ng pag-apply ko. Nakakatakot at nakaka-kaba pero ng malaman ko na nakapasa ako, parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Nagkita kami sa Baba ng gusali ni Robert, naabutan ko siyang nagsisigarilyo kasama ng mga kaopisina nya, alam nya na pala na nakapasa ako kaya ganon nalamang din ang bati nya sa kin. pinakilala nya rin ako sa mga kasamahan nya iba-ibang mukha at personalidad ang nakilala ko. Isang lalaki na kasamahan nya ang ang nagtanong kung ako ba daw "boyfriend" nya sabay batok ni robert sa kasamahan nya sabay tawanan sila. Hindi ko alam kung ano ba yung tinutumbok nung kasamahan nya pero sabi ni Robert balewalain ko nalang daw. Pinakilala nya ako bilang kababata nya pero ang narirnig kong biro sa mga kasamahan nya " Ang gwapo naman ng kababata mo sigurado kang kababata lang ha?" sabay tawa ulit. ako naman parang at least makikisama eh nakitawa nalang.

Sabi ni Robert mauna na ako umuwi sinabi na sakin kung ano sasakyan ko. Kahit papno nakauwi aman ako. Pagod at saya yan ang nararamdaman ko ng araw na iyon...



Powered by ScribeFire.

Balik Tanaw

Madami nang nagtanong sakin ung bakit at kelan ako nagsimula maging ganito. Isang lalakeng nagbebenta ng aliw.

Mag-iisang taon na cguro nung una kong sinubukan at makpagsapalaran sa buhay na ganito. Isang kaibigan ang nag-udok sa akin upang subukan ang pagiging kolboy. Kalilipat ko palang ng maynla noong buwan ng Setyembre 2008 dito sa maynila galing akong Pangasinan, Noong una natatakot ang mga magulang ko na makipagsapalaran ako sa maynila dahil una wala ako masyadong kakilala dito at hindi nila matiis na mawalay ako sa piling nila. Kaya malakas loob ko na pumunta ng maynila dahil isa sa mga kababata ko ang nagtatrabaho na dito. Siya ang nagsabi sakin na maganda daw magtrabaho dito at tutulungan nya akong makapasok. Nakatanggap ako ng e-mail galing sa kanya na sabi may hiring daw sa company nila at i-refer nya daw ako pero kelngan ko pumunta ng maynila agad. nang gabi din yong nagusap kami ng pamilya ko at sinabi ko na luluwas ako apra maghanap ng trabaho sa una ayaw nila pero napagdesisyunan din namin na bigyan ako ng pagkakataon paraman lang masubukan ko ang buhay ng mag-isa at magtrabaho sa ibang lugar.

Pagkalipas ng 2 araw lumuwas na ako ng maynila at sinundo ako ni Robert. Si Robert ang kababata ko. Matagal tagal na ring nanirahan sya dito. Sinundo nya ako sa terminal ng bus sa may cubao. Siyempre bagong salta sa maynila para akong inosenteng bata na palingon-lingon sa lahat ng gusali na natatanaw ko tinitingnan lahat ng sasakyang dumadaan sa harapan namin. Naglibot libot muna kami konti sa isang shopping mall sa cubao at doon na kami naghapunan. Ilang kanato lamang ang nilakad namin at nakarating na kami sa bahay na inuupahan nya. medyo nabigla ako at sinabi "Pre kaw lang nakatira dito? laki ng bahay mo ah." Natawa lang siya sa reaksyon ko na parang alam nya na ang mga mangyayari. 2 ang kwarto ng bahay nya kaya sabi nya na pwede akong mag-stay sa kabilang kwarto at pag nakahanap ako ng trabaho ay pag-uusapan namin ang mga gastos sa bahay. Pumayag naman ako. nagkwentuhan muna kami tungkol sa bayan namin at sa mga taong matagal na rin nyang hindi nakikita at bago kami matulog sinabihan nya na akong magayos ng mga papel at ng susuutin ko kinabukasan dahil isasama nya na ako para maipasok. Sabi ko sa kanya hindi siya mapapahiya sakin "best in english" ata ito sabay batok ng malakas sa akin. pagkatapos naming magkwentuhan nagpahinga na kami at ako pagpasok sa kwarto pilit na pinipikit ang mga mata upang makatulog ngunit punong puno parin ng kaba at saya para sa mga mangyayari sa mga susunod na araw....




Powered by ScribeFire.

Sino Ako

Ako nga pala si Jerard, ang tawag sakin ng mga tropa ko ay Je kaya cguro yun nalang ang itawag nyo sakin. 25 y.o. na ako. Isa akong call center agent sa isang company sa makati. Tulad nyo isa lang akong ordinaryong tao mahilig tumambay mag-gala pag walang pasok o kaya makipag inuman sa tropa. Normal lang din ang pamumuhay ko pumapasok ako sa trabaho sa hapon hanggang gabi pero meron din akong sideline para naman may extra akong kita. Mahirap na buhay ngayon pag wala kang pera wala ka rin kakainin o kahit kaibigan.

Malaki sweldo sa mga call center pero kahit papano nabibitin sa mga gastusin ko sa araw araw. Kaya pag katapos kong magtrabaho sumasideline na ako. Aaminin ko is akong Callboy isang lalakeng nagbibigay ng aliw kapalit ng pera. Isang nilalalang na kumakapit sa patalim para lang kumita at matustusan ang pangangailangan. Marami na akong napagdaanan merong bakla mga matrona at meron din mga lalakeng palihim na naghahanap ng aliw sa mga taong tulad ko.

Isa ako sa mga lalakeng maaring nakita nyo na sa may gilid ng Quezon Circle. nakamaong at naka fit na t-shirt sa unang tingin akala mo ay may pupuntahang party pero sa tuwing may sasakyan na medyo nagdadahan dahan sa pag andar eh nagpapacute para mapick-up.

Gabi gabi pagkatapos ng trabaho dito ako dumederecho konting lgo lang sa bahay at bihis ng damit.. ok na rampa na.

Call center agent sa umaga... Call boy sa gabi... Ako si Je